
PATAY ang isang pulis habang dalawa naman ang sugatan nang makabarilan sa loob ng headquarters ng Taguig City Police Station ngayong araw ng Lunes.
Dead on arrival si Police Executive Master Sergeant Heriberto Saguiped makaraang magtamo ng tama ng bala sa katawan sa Community Affairs Section Office ng nasabing police station.
Base sa inisyal na ulat , nagkaroon ng matinding pagtatalo ang suspek na si Police Chief Master Sergeant Alraquib Aguel at Saguiped na nauwi sa barilan ng dalawa.
Binaril ni Aguel si Saguiped at si Police Corporal Alison Sindac na siyang umaawat lamang sa dalawang nag-aaway.
Binaril din ng ilang kasamahan ang suspek na si Saguped upang matigil ang pag-aamok nito.
Mabilis na dinala ang tatlo sa pagamutan habang si Sindac ay nasa kritikal na kalagayan habang si Aguel naman ay inooperahan na ng mga doktor.