Higit sa isang taon palang ang pagkakaibigan ng premyadong actress na si Teresa Loyzaga at premyadong director na si Romm Burlat pero parang ilang dekada na ang friendship nila.
Halos araw araw silang naguusap kahit ang aktres ay nasa Australia ngayon.
Dahil maganda ang chemistry nila sa “Minsa’y Isang Alitaptap” na humakot ng maraming awards sa iba’t ibang international film festivals, napagdesisyunan ng isang producer based in Australia na si Art Soriano at mga ibang kaibigang producers na gumawa ng pelikula tungkol sa mga Filipino OFWs sa Australia.
Nakailang meetings na rin sila. Ang tentative title ng proyekto ay “Nang Minsang Kumaway Ang Tadhana” na sa unang pagkakataon ay ididerihe ng dalawang magkaibigan na sina Teresa at Romm. Pag medyo maluwag na ang sitwasyon, uumpisahan na ang nasabing pelikula.