INALIS sa talaan ng mga mababatas si Negros Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. batay sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges matapos itong makatanggap ng botong 256.
Si Teves ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa Negros Oriental at naging dahilan sa pagsibak kay Teves ay ang pagiging pabaya sa trabahong kalakip ng mandato bilang kinatawan ng Negros Oriental matapos piliin manatili sa ibang bansa para makaiwas sa napipintong pagdakip ng otoridad kaugnay ng mga kinakaharap na kasong kriminal sa husgado.
“As the branch of government upon which the power to make laws has been reposed by the Constitution, members of the legislature should be held to account to a higher ethical standard especially when the acts complained of violate the very same laws Congress has arduously passed,” ayon kay COOP-NATCCO partylist Rep. Felimon Espares na tumatayong chairman ng Committee on Ethics sa binasang panel report bago sinimulan ang plenaryo.
Matatandaang lumipad sa Estados Unidos noong Pebrero 28 para di umano sa pagpapatuloy ng kanyang stem cell treatment.
Maging ang mga kapwa kongresista ay hindi ikinatutuwa ang pagpapakita nito ng di umano’y paggiling nito o mahalay na video suot ang underwear lang.
Bago pa man ito sinibak bilang kongresista, dalawang ulit na pinatawan ng 60-day suspension si Teves na ipinasok ng Anti-Terrorism Council sa hanay ng mga terorista.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Teves.