TUMANGGI si House Deputy Majority Leader at ACT -CIS Partylist Representative Erwin Tulfo na lumagda sa inihaing impeachment complaint ng kamara nitong Miyerkules laban kay Vice President Sara Duterte .
Sa kanyang pahayag, pinaliwanag ni Tulfo na dahil sa iniiwasan niyang magkaroon ng bahid ang kanyang paghusga, lalo na’t may tyansa siyang maging senator-judge .
Aniya, “Ilang buwan na lamang bago ang halalan at magkakaroon tayo ng bagong grupo ng mga senador na sisiyasat sa mga ebidensyang inihain sa senado at maaari rin tayong maging senator-judge na maaaring maging kabilang sa magbigay ng hatol sa mga ilalatag na ebidensya ng bawat panig.“
Matatandaang 215 ang lumagdang kongresista nitong Miyerkules, ang huling araw ng session bago mag-adjourn ang kongreso.
Kabilang si Tulfo sa kumakandidatong senador ngayong darating na midterm elections 2024 sa Mayo.
