TATANGGALIN sa serbisyo at ikukulong ang sinomang mapapatunayang tumulong sa pagtakas ni dating Bamban Alice Guo , ayon ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules.
Aniya, “Lahat ng mga sangkot sa … pagtulong kay Alice Guo na umalis ng Pilipinas nang iligal bilang isang tumaks sa hustisya ay tiyak na babayaran ang kanilang ginawa,” sa mga mamamahayag sa briefing tungkol sa epekto ng malubhang bagyong tropikal na “Enteng” sa Quezon City.
“Hindi lang namin sila sisibakin, kakasuhan pa namin sila dahil ang kanilang ginawa ay labag sa batas at laban sa lahat ng interes ng sistemang panghudisyal ng Pilipinas,” dagdag niya.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang gobyerno ay kasalukuyang nakikipagtulungan sa Indonesia para sa agarang pagbalik ni Guo sa Pilipinas.
Tumakas si Guo ilang linggo na ang nakalipas at nagtago sa Indonesia habang iniimbestigahan ang kanyang pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ayon sa mga ulat, unang pumunta si Guo sa Malaysia, dumating sa Singapore noong Hulyo 21, at lumipat sa Indonesia noong Agosto 18, kahit na siya ay subject ng isang lookout bulletin na inilabas ng Bureau of Immigration (BI).
Naaresto si Guo sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.