May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Ukay-ukay vendor timbog sa 6.8 milyong droga sa Paranaque City

Ni Emmanuel Santiago

TIMBOG ang ukay-ukay vendor  makaraang mahulihan ng P 6,800,000.00 halaga ng shabu  sa isinagawang buy bust operation sa parking lot ng isang mall sa Barangay Don Bosco, Parañaque City Lunes , bandang ala 1:30 ng hapon.

Sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team, PDEA NCR-Southern District Office, Parañaque Substation 6 atPNP PDEG SOU NCR  huli ang suspek na si Norhana Maulana y Sulay, 33 anyos at residente ng Barangay Upper Bicutan, Taguig City.  

kumpiskado sa suspek ang higit kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu at buy bust money .

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article II of RA 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa suspek.