June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Villar, isinusulong ang ‘competitiveness’ ng mga magsasaka

NANANAWAGAN si Sen. Cynthia Villar sa Phil Rice na suportahan ang mga magsasaka para mas higit na maging competitive.

“I am also sponsoring the Rice Tarification Law (RTL) extension bill and I look forward to Phil Rice support on this,” sabi pa ni Villar sa Department of Agriculture- Phil Rice Annual Review ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed and Extension Programs.

Sa tulong ng RTL ayon sa chairperson ng Senate agriculture and food committee, ay naranasa nating magkaroon ng mas maraming ani ng palay kada ektarya at mas mababang production cost mula ng ito ay naipasa.

“The national average production per hectare when RTL started in 2019, has been consistently going up-from 3.66 tons per hectare in 2019, to 3.95 tons in 2020, and 4.19 tons per hectare, in 2023” giit ni Villar.

Sa ilalim ng RTL, kailangang pangunahan ng Phil Rice ang RCEF Seed Program at co-lead ito sa RCEF Extension Program. Ang Phil Rice ay nag pasigla at nag palakas ng mga kooperatiba ng mag bibigas para sila ay maging seed producers para suportahan ang pamamahagi ang mataas na kalidad na binhi ng bansa. Nakapag tatag din ang ahensya ng 756 PalaySikatan Technology Demonstration sites sa 404 na mga lungsod at munisipalidad na matatagpuan sa 58 mga probinsiya sa ilalim ng kanyang extension service mandate.

inihayag ni Villar na ilan sa target goals ng PhilRice ang pagsasagawa ng malalim na research at development sa mas magandang uri ng palay at magkaroon ng breeder, foundation, at registered seeds ng inbreds. Dapat ding pagbutihin and sistema ng pamimigay nito sa mga mag sasaka at sa tulong ng mga LGUs para mapaigting ang implementasyon.

Ipinasa ni Villar noong 2019 ang Republic Act No. 1120 o RTL, na nagtanggal ng

quantitative restriction sa rice imports at itinabi ang taunang P10 billion mula tariff na kinolekta sa rice bigas ng RCEF.

Ipinunto ng senador na nagiging competitive ang rice industry dahil sa RCEF.

“Thirty percent (30%) or P3 billion of the RCEF is allotted to give inbred rice seeds for planting by PhilRice, while 10% is allotted for extension services for ATI, TESDA, PHILMECH AND PHILRICE to teach farmers how to reduce cost of inputs, and to reduce wastage to yield more and increase income,” panayag pa ng senador.