
MULING nag-anunsiyo ng suspesyon ng klase ang Department of Education o DepEd sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa upang magpatupad ng Asynchronus classes/ distance Learning sa darating na Abril 15 hanggang 16 , 2024.
Ito ay upang bigyang-daan ang mga mag-aaral na makumpleto ang mga nakabinbing gawain, proyekto, at iba pang kinakailangang gawin sa papalapit na katapusan school year sa paaralan.
Gayundin, ang mga teaching and non-teaching personnel ng pampublikong paaralan ay hindi kinakailangang magreport sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.
Sinabi pa ng DepEd , “Activities organized by Regional and Schools Division Offices, such as Regional Athletic Association Meets and other division or school level programs, to be conducted on the aforementioned dates may push through as scheduled. “
Samantala , hindi naman saklaw ng abisong ito ang mga pribadong paaralan ngunit maaari silang magpatupad ng parehong polisiya.