KUMPISKADO sa labing-isang Chinese national ang mga hazardous materials na nagkakahalaga ng PhP19,514,100.00 matapos salakayin CIDG Regional Field Unit ang isang pasilidad sa Global Aseana Business Park 1, Brgy Dela Paz, San Simon, Pampanga nitong Marso 11 ng gabi.
Mula sa ulat na nakarating kay PMGen. Robert A Morico II, Director ng sinalakay ng pinagsanib pwersa ng mga awtoridad, bitbit ang search warrant sa isang pasilidad na kinaroroonan ng nagre-recycle ng mga luma at gumagamit ng mga baterya ng sasakyan upang kumuha ng lead na maaaring magdulot ng mga panganib sa kapaligiran at kalusugan ng publiko.
Narekober sa operasyon ang dalawang yunit ng battery crusher machines, limang Heli forklift, isang furnace (pugon), mga sirang baterya ng kotse, baterya ng e-bike, karbon, mga metal molde, at 8,950 kilo ng mga natapos na produktong lead, na may tinatayang kabuuang halaga na PhP19,514,100.00.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 13 (a) of Republic Act No. 6969 (Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990 ang mga nahuling suspek.
