NASAWI ang labing-isang katao noong Miyerkules matapos bumangga ang isang 10-wheeler truck sa isang pampasaherong van sa Camalig, Albay.
Bineberipika pa ang mga pangalan ng mga biktima.
Sa inisyal na ulat , nangyari ang trahedya sa Maharlika Highway sa Libod, Camalig, Albay bandang 9:30 ng umaga noong Miyerkules.
Lumalabas sa imbestigasyon na hindi nagdahan-dahan ang 10-wheeler truck sa kurbadang bahagi ng highway at nabangga ang UV Express van mula sa kabilang lane.
Nahulog ang parehong sasakyan sa sapa sa tabi ng kalsada.
Ang trak ay patungo sana sa Legazpi City mula sa Camarines Sur, ay nagkaroon ng problema sa makina.
Nahirapan ang mga rescuer na mailabas ang mga biktima mula sa van.
