SUMUKO ang 13 miyembro ng New Peoples Army (NPA) nitong nakaraang Biyernes sa lalawigan ng Batangas.
Ang nasabing 13 NPA ay pawang mga miyembro ng Milisyang Bayan ng Sinag na kusang isinuko ang sarili sa mga otorirad ng Barangay San Marcelino sa bayan ng Taysan bandang alas 8 ng umaga.
Pinamumunuan ng mga rebelde ni Junalice isita ,base sa ulat ng pulisya.
Dalawa rito ay pawang mga kababaihanna nasa edad 33 at 36 anyos habang ang kanilang kasamahan ay nasa edad 21 hanggang 68 anyos.
Ang mga nagbalik loob na mga rebelde ay makakasali sa programa ng gobyerno na E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program .