February 24, 2024

45M nauwi ng 2 Lotto bettor sa magkahiwalay na draw ng PCSO

Ni Len Dancel

DALAWANG mananaya ang makakap-uwi ng jackpot prizesnsa magkahiwalay na Lotto draw nitong Sabado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa PCSO ang mga kombinasyong numero na 40-03-34-37-19-15 nitong Sabado ng gabo ang nakasungkit sa Grand Lotto 6/55 na may premyong PHP29.7 million.

Ang maswerteng bettor ay nagmula sa Triangulo, Naga City.

Makapag-uuwi naman ang 12 bettors ng tig-100,000 piso sa mga nakahula sa 5 numero, habang 550 bettor naman ang mag-uuwi ng tag 1,500 sa 4 na tamang numero at 11,686 ang makatatanggap sa 60 pesos sa nakahula sa 3 numero.

Samantala, isang bettor na taga Pitogp, Quezon ang maswerteng nakahula sa mga numerong 31-32-08-25-29-14 sa Lotto 6/42 draw.

Tumatiginting na PHP15,395,114.80 ang kanyang maiuuwi.

Habang 22 bettor naman ang makakakuha ng premyong PHP24,000  sa limang nakatamang numero ; 1,469 naman ang makakapag-uwi ng PHP800 sa apat na nakahula ng numero; 23,563 naman ang may tag  PHP20