
PATAY na nang matagpuan ang dalawang bata na naiulat na nawawala noong Lunes ng gabi bunsod ng sunog na tumama sa 38 bahay sa Sta. Mesa, Maynila.
Bineberipika ang mga pangalan ng mga nasawing biktima.
Habang ang dalawang iba pang sugatan — ang isa ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo, habang ang isa ang menor de edad ay nagtamo naman ng paso sa kanyang likod.
Sa inisyal na pagsisiyasat, lumabas na nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Bgy. 628, Anonas St., Sta. Mesa, Maynila dakong alas-4 ng hapon. Lunes.
Bago ang sunog, sinabi ng mga residente na nakarinig sila ng pagsabog.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa sa lamang sa light materials ang mga bahay roon .
Ilang gusali ng isang paaralan at mga sasakyan ang napinsala rin ng sunog.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
Habang idineklarang under control ang sunog alas-6:50 ng gabi.