May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

30 warden ng BuCor, iimbestigahan na

Ni Crema Limpin

SUMASAILALAIM sa malalimang imbestigasyon ngayong ang nasa 30 warden ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos mabisto ang pakikipagsabwatan sa mga preso.

Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang, may mga patunay na ang kawanihan sa pakikipag kuntsabahan ng ilang Bucor officials at personnel na nagtatago di umano ng mga kinikita ng sindikato sa loob ng kani-kanilang binabantayang bilangguan

Sinabi pa nito na kamakailan lang ay kinumpiska ng kawanihan ang nasa P300,000 na di umano’y pinatago ng isang persons deprived of liberty (PDL).

hayagang sinabi ni Catapang na nakassentro ang pagsisiyasat sa pinanggalingan at paggagamitan ng pera.

Tintityak niya aniya nagkasa na rin ang BuCor ng mga reporma at panuntunan kaugnay ng pagpasok at pagpapadala ng pera sa mga PDLs.

Kabilang sa sisislipin rin ang di umano ang 12% na kinakaltas ng BuCor officials at personnel mula sa kabuuang halaga ng perang patago.