DALAWANG linggo mahigit na nang sumira sa usapan ang bansang, nakaamba na ang ang pagpasok ng Estados Unidos sa West Philippine Sea na pilit inaangkin ng bansang Tsina.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, may “seryosong pagtalakay” na sa pagitan ng US at Pilipinas hinggil sa patuloy na tensyon sa karagatang pasok sa 200 nautical mile Philippine exclusive economic zone kung saan makailang ulit ng itinaboy ang mga sasakyang dagat ng Pilipinas at maging ang mga mangingisdang Pinoy.
Nagsalita na rin si US Ambassador MaryKay Carlson na dumalo sa isang pagtitipon ng Makati Business Club nito lamang Martes ng gabi ang pahayag ni Romualdez.
Ayon sa US Ambassador – “The combined maritime activities between the Philippines and the US is vitally important to enhance the country’s safety and security.”
“So many fisher folks have their lives wrapped up in fishing so the United States wants to do everything possible. There is an array of activities we can do. We are certainly working very closely with the Philippine Coast Guard in that regard. So whether it’s joint patrol or any activities…the important thing is it is done in conjunction with our Philippine partners,” hirit pa ni Carlson.
Kinatigan din ni dating Philippine Ambassador to the United States Cuisia Jose Cuisia ang “joint patrol” ng US at Pilipinas. Aniya, malaking bentahe sa Pilipinas ang pagpapatrolya sa WPS bilang pangontra sa hayagang pananakop ng Tsina sa buong South China Sea.