LIMANG katao ang namatay habang 38 ang sugatan sa pagsabog ng isang bodega ng paputok sa Zamboanga City noong Sabado.
Ayon kay Col. Kimberly Molitas ng Zamboanga City Police Office, kasalukuyang iniimbestigahan ang naging sanhi ng pagsabog na nauwi sa pagkasunog ng bodega sa Brgy. Tetuan na ikinamatay ng limang katao kabilang dito ang dalawang bata.
Agad na rumesponde ang lokal na pulisya, bumbero, militar, at mga sibilyang rescuer sa lugar upang dalhin ang mga biktima sa ospital.
Sinabi ni Molitas na iniimbestigahan nila kung paano napunta ang malaking dami ng paputok sa bodega kabilang sa imbestigasyon ang may-ari ng pasilidad.
Ang sobrang lakas ng pagsabog na sumira sa konkretong bodega at mga kalapit na tahanan kung saan ilang poste ng kuryente ang natumba sa kabahayan.
Nakontrol ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog bandang 6:40 ng gabi noong Sabado.