Isang pribadong eroplano na may sakay na anim na banyaga ang bumagsak sa bayan ng Davao del Sur, Martes ng umaga.
Nabatid sa inisyal na report ng Sta. Cruz Municipal Police Station, naganap ang pagbagsak ng eroplano dakong alas-8 ng umaga sa Sitio Boribad, Barangay Tibolo.
Kinumpirma naman ng Digos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang insidente.
Ayon sa mga awtoridad, na anim na dayuhan ang sakay ng pribadong eroplano bago ito bumagsak.
Patuloy pa ang search and rescue operations sa lugar upang alamin ang kalagayan ng mga pasahero at makakalap ng karagdagang impormasyon hinggil sa insidente.
