May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

6M reward sa magtuturo sa 6 na wanted sa ‘missing sabungeros’

Ni Alex dela Cruz

INILABAS na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang larawan ng 6 na wanted na hinihinalang dumukot at pumaslang sa mga nawawalang sabungeros.

Ito ay matapos isyuhan ng korte ng warrant of arrest ang anim na suspek na sina Julie Patidongan alyas Dondon, Mark Carlo Zabala, Roberto Matillano Jr., Johnny Consolacion, Virgilio Bayog at Gleer Codilla alyas Gler Cudilla.

Matataandang inihayag kamakailan ng Department of Justice ang 6 milyong pisong halaga na gantimpala sa sinomang makakapagturo at magbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.