
NASAWI ang apat na katao habang walo ang sugatang makaraang araruhin ng isang truck ang mga kabahayan at mga sasakayan sa Maharlika Highway, Isahang Lucena City nitong Sabado ng hating-gabi.
Sa inisyal na ulat ng Lucena City Police Station, nakita ng mga nakasaksi ang nagliliyab na gulong ng truck habang tinatahak ang 5 nakaparadang sasakyan at 3 kabahayan sa nabanggit na lugar.
Nawalan ng kontrol rumaragsang truck patungo sa city proper ng Lucena kung saan nadamay sa pagliliyab ang mga kabahayan at sasakyan na ikinasawi ng mga 4 na katao habang agad na isunugod sa pinakamalapit na pagamutan ang 8 sugatang biktima.
Kasalukuyang inaalam pa ang dahilan ng trahedya sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.