
KALABOSO ang apat na suspek kabilang ang isang high-value target ng malansag ng pinagsamang operatiba ng PDEA Batangas Provincial Office at Bauan Municipal Police Station ang isang drug den sa Barangay Balo, Bauan, Batangas.
Nadakip ang apat na suspek na nakilalang sina alias Noland, pinahihinalaang drug den maintainer, 53; alias Jomari, 28; alias Amin, 41, alias Noly, 48; alias Noriel, 58. Lahat ay residente ng Bauan, Batangas nitong Oktubre 15, 2025 sa ganap na alas-8:00 ng gabi.
Kumpiskado ang humigit kumulang na 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang Php68,000.00, ibat- ibang klase ng drug paraphernalia.
Sasampahan ang limang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Section 6 (Maintenance of a Drug Den, Dive or Resort) Section 7 (Employee and Visitor of a Drug Den, Dive or Resort) Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) ng Article II ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.