HULI ang tatlong tulak na may P48-M hinihinalang shabu sa buy-bust operation noong Abril 17, 2026 sa Zone 5, Brgy. Divisoria, Zamboanga City.
Ikinasa ang operasyon bandang alas-5: 35 ng hapon noong Aril 17 ang operasyon ng pinagsamang mga operatiba mula sa Police Station 4, City Intelligence Unit, at City Intelligence Division Management Unit ng Zamboanga City Police Office, kasama ang Regional Intelligence Division 9, S2 ng Regional Mobile Force Battalion 9, 1st Special Operations Unit ng PNP Maritime Group, at PDEA Regional Office 9, kung saan nakakumpiska ng humigit-kumulang 7,000 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may karaniwang presyo ng droga na ₱47,600,000.00.
Ang mga ilegal na droga, kasama ang buy-bust money at iba pang mga bagay ay narekober sa pinangyarihan ng transaksyon.
Habang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ngayon ng Police Station 4, Zamboanga CPO para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 9165.
Sinabi ni Philippine National Police PNP Chief Gen Jose Melencio C. Nartatez Jr, “Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa mga indibidwal na nagpapatuloy sa pakikipagkalakalan sa ilegal na droga. Haharapin nila ang buong puwersa ng batas.”
