
ASAHAN na ang dagdag pisong taas pasahe bago matapos ang taong 2023 ayon sa Land Transportation Franchising regulatory Board o LTFRB.
May hirit ang ilang transport group sa dagdag pasahe dahil sa sunod -sunod na linggong oil price hike.
Sinabi naman ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na hinihingi nila ang tulong ng NEDA upang malaman kung magkano ang dapat aprubahang dagdag pasahe .
Dahilan na rin nito upang maiwasang sumipa ang inflation rate sa bansa.