June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

DMW tinutulungan ang Pinay na inaresto sa Japan

ARESTADO ang isang Filipina sa Tokyo, Japan dahil sa pag-iwan sa mga labi ng isang mag-asawang Hapones.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kanilang ini-extend na ang legal na tulong kay Hazel Ann Morales.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Cacdac na ipinaalam na nila sa mga awtoridad sa Japan na kanilang ibibigay ang legal at iba pang kinakailangang tulong kay Morales.

Ayon sa mga ulat mula sa Japan, si Morales ay inaresto dahil sa pagsususpetsa ng pag-iwan ng mga labi ng mag-asawang Hapones na sina Norihiro at Kimie Takahashi.

Natagpuan ang mga Takahashi sa kanilang tahanan na may mga tama ng saksak.

Sinabi ni Cacdac na kanilang iniimbestigahan kung si Morales ay isang migrant worker or a permanent resident ng Japan.

Nagbigay rin ng katiyakan ang opisyal ng DMW sa pamilya ni Morales na tutulong sila sa anumang paraan.