
Camp BGen Vicente P Lim – KUSANG sumuko sa mga awtoridad ang isang pangunahing suspek sa kaso ng nawawalang si Catherine Camilon ngayong araw ng Martes, ika-9 ng Enero, 2024 sa Balayan Municipal Police Station.
Lumutang ang suspek na si Jeffrey Ariola Magpantay, 33 taong gulang ng Barangay San Roque, Rosario, Batangas, ang mga bandang 11:59 AM ng Martes kasama ang kanyang live-in partner, personal na nagpakita sa Balayan Municipal Police Station, Batangas .
Nais niyang ipakita sa kapulisan na siya ay makikipagtulungan at boluntaryong isinuko ang sarili sa legal na proseso kaugnay sa mga kasong ipinaparatang laban sa kanya sa krimeng kidnapping at illegal detention.
Ayon kay ni PBGen Paul Kenneth T Lucas, regional director ng Pollice Regional Office CALABARZON ang pagsuko ni Magpantay at pinatutunayan ang kanilang pangako na tiyakin ang isang makatarungan at walang kinikilingang imbestigasyon sa kaso.
“We appreciate the cooperation of all individuals involved in the legal proceedings. This act of Mr. Magpantay signals his commitment to face the charges levied against him in a lawful and transparent manner.
Matatandaan na ang suspek na si Magpantay ay pinaniniwalaang nagmamaneho sa pangunahing suspek na si Police Major Allan De Castro, na ngayon ay kinakaharap ang mga kasong administratibo at kriminal .
Sa pag-unlad ng kaso, ang Police Regional Office Calabarzon ay magpapatuloy sa pagbibigay ng mga update sa media at publiko, pinanatili ang isang balanse sa pagitan ng pagsi-transparency at pangangailangan na pangalagaan ang integridad ng kasalukuyang imbestigasyon.