Camp BGen Paciano Rizal – NASAKOTE ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang joint buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit at San Pablo Component City Polcie Station nitong Oktubre 16, 2025 sa Brgy Sto. Niño, San Pablo, Laguna.
Kinilala ni Laguna Police Provincial Director, PCol. Jonar Yupio ang suspek na si alyas Edwin , 48-anyos ng naturang lungsod.
Nagkasa ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit PDEU at San Pablo CCPS ng drug buy-bust operation bandang 4:05 ng hapon ng Oktubre 16, sa Brgy. Sta. Niño, San Pablo City, Laguna.sa pamumuno ni PMaj Gapunuan, hepe ng PDEU na nagresulta sapagkakaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.
Narekober sa suspek ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 200 gramo at may Standard Drug Price na aabot sa Php1,360,000.00; isang (1) piraso ng Five-Hundred-peso bill; isang (1) piraso ng One-Hundred-peso bill; isang (1) piraso ng Fifty-peso bill; isang (1) piraso ng One-Thousand-peso bill na ginamit bilang buy bust money; isang (1) pouch at isang (1) unit ng Android Cellphone.
Nasa kustodiya ng San Pablo CCPS ang arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa mga isasampang kaso laban dito para sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang Laguna PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa iligal na droga. Isa din ito sa mga efforts ng Laguna PNP upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa buong lalawigan lalo ngayong “Ber” Months”. Pahayag ni PCOL YUPIO.
