IPAKAKALAT ang 1,500 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel upang masiguro ang kaaayusan sa Undas sa darating na lingo.
Ayon kay MMDA acting chair Carlo Dimayuga III itatatalaga ang mga Traffic Discipline Office, Road Emergency Group, Metro Parkways Clearing Group, at Task Force Special Operations sa “Oplan Undas 2022” iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa darating na Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2.
“The MMDA is all set to undertake measures on traffic management, cleanup operations, road emergency and public assistance, and clearing of road obstructions in preparation for Undas,” ayon pa kay Dimayuga. Kabilang din ang kanilang pag iinspeksyon sa mga bus terminals sa Cubao sa Quezon City sa Martes , kung saan ang mga provincial buses ay nararapat na nasa kanilang itinalagang lugar lamang na labasan upang hindi magsikip ang Edsa.