Supreme Court
NAKAPASA sa 2025 Bar Examination na may kabuuang 5,594 na examinees na kumakatawan sa passing rate na 48.98%, ayon sa pahayag ng supreme court (SC) noong Miyerkules.
Ipinahayag ito ni Supreme Court (SC) Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, chairperson ng 2025 Bar Examinations, sa paglabas ng mga resulta noong Enero 7, 2026 sa SC Courtyard sa Maynila.
May kabuuang 11,420 examinees mula sa 13,193 rehistradong aplikante ang natapos ang tatlong-araw na pagsusulit, na isinagawa sa 14 na testing center sa buong bansa noong Setyembre 7, 10 at 14.
Si Jhenroniel Rhey Timola Sanchez, isang nagtapos sa University of the Philippines, ang nanguna sa 2025 Bar Examinations, na nakakuha ng overall rating na 92.70%.
Ang oath-taking at roll signing ceremony ng mga matagumpay na Bar examinees ay gaganapin sa Pebrero 6, 2026 sa Philippine Arena.
