SUMUKO na sa pulisya kahapon ang isang guwardiya na itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 38-taong-gulang na babae na kung saab ay isinilid ang bangkay sa isang plastik na kahon sa Camarines Norte.
Tinukoy ng mga awtoridad a ng suspek na si Arnel Domingo Jr. ng Rosario sa Batangas na sumuko bandang 12:30 ng madaling araw.
Isinuko ng kanyang ama si Domingo sa pulisya ng Cabuyao sa Laguna kung saan naiulat na naganap ang krimen.
Sumuko ang suspek dahil gusto niyang ibigay ang kanyang panig at nagtitiwala siya sa pulisya.
Si Domingo ay itinuturong pumatay sa kanyang kinakasama na si Anelis Agocoy, 37.
Matatandaang ang kanyang bangkay ay inilagay sa loob ng isang plastik na kahon, na natagpuang lumulutang sa isang ilog sa Basud, Camariñes Norte noong Lunes.
Sinabi ng pulisya na inamin ng suspek ang krimen at maaaring pumirma ng isang affidavit of confession sa harap ng isang abogado.
Sinabi ng ama ni Domingo na ipinagtapat sa kanya ng kanyang anak na aksidente niyang napatay ang kanyang kinakasama habang nag-aaway.
