November 30, 2023

1 patay, 2 sugatan sa chopper crash

ni Emmanuel Santiago

Photo from PNP

NASAWI ang isa sa tatlong biktimang lulan ng helicopter ng Philippine National Police Airbus H125 na bumagsak sa Real,Quezon  kaninang umaga  .

Naiulat na Nawala ang RP-9710 ilang oras matapos mag-take off bandang alas 617 ng umaga  mula Manila Domestic Airport  .

Agad na tinungo ng Bureau of Fire BFP at Municipal Action Center MAC ang insidente at  mabilis na itinakbo sa Claro M Recto District Hospital sa Infanta ang mga sugatang  biktima.

Nasa ligtas na kundisyon na ang piloting si  Lt.Colonel Dexter Vitug at co-pilot Lt.Col.Michael Melloria habang ang crew na si Patrolman Allen Noel Ona ay nasawi dahil sa matinding tinamong sugat sa katawan.

Base sa inisyal na ulat ,maulang panahong ang naging dahilan ang pangyayari .