
SUGATAN sa isang pag-atake ng pamamaril si self-confessed drug lord at mayoral candidate na si Kerwin Espinosa noong Huwebes sa Albuera, Leyte .
Si Espinosa, na tumatakbong alkalde ng bayan ng Albuera ay nasa isang campaign trail nang pagbabarilin bandang 4:30 ng hapon. sa Albuera Gymnasium sa Bgy. Tinag-an.
Naghihintay na magsalita si Espinosa sa harap ng maraming tagasuporta nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman na nagtatago sa kisame sa itaas ng stage.
Isinugod siya sa Ormoc Doctors Hospital, kung saan siya ay kasalukuyang nagpapagaling.
Isang menor de edad na nagngangalang Aira at isang kapatid ni Espinosa ang tinamaan din sa pag-atake at nilalapatan ng lunas.
Hindi naman nasaktan ang running mate ni Espinosa na si vice mayoralty candidate Mariel Espinosa Marinay na naroon din sa event.
Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Albuera Municipal Police Station (MPS) at SWAT teams, na nagtakda ng mga harang sa kalsada upang mahuli ang suspek.
Matatandaan, ang ama ni Espinosa na si dating Albuera mayor Rolando, ay napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isang search operation sa loob ng kanyang detention cell sa Baybay sub provincial jail noong Nobyembre 2016.
Si Kerwin Espinosa ay tumatakbo sa ilalim ng partidong pampulitika ng Bando Espinosa-Pundok Kausaban (BE-PK),