
IBINUNYAG ng kapatid ng di – umano’y middleman ang mga pangalan na sangkot sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid bago ito binawian ng buhay sa New Bilibid Prison, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes.
Sa mga inilabas na pangalan ni alyas Marissa, kapatid ng middleman na si Crisanto Villamor , ang mga sangkot sa pagpatay kay Lapid ay sina alyas “ Sputnik”. “Happy Go Lucky”, at “BCJ” .
Ipinadala kay alyas Marissa ang listahan ng mga pangalan bago ito mamatay sa bilangguan noong Oktubre18.
Hindi na rin masyado naglabas pa ng mga detalye ang tagapagsalita ng DOJ na si Mico Clavano sa mga mamamahayag kung sino ang mastermind sa mga ibunyag na pangalan.