WAGI ang nag-iisang lotto winner ng tumataginting na PHP35.4-Milyon jackpot prize sa Grand lotto 6/55 nitong Sabado mula sa Tacloban City .
Sa anunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong araw ng Linggo , ang pinalad na numero ay 44-50-07-52-46-36 .
Maaaring makuha ng bettor ang kanyang gantimpala mula sa PCSO main office sa Mandaluyong City kunga saan ay ipakita lamang ang kanyang ticket kasama ang dalawang identification cards.
Samantalang limang mananaya naman ang makakapag-uwi ng tag- PHP100,000 sa nakahula ng limang numero , habang 239 naman ang makakakuha ng tag PHP1,500 sa nakahula sa apat na numero at 5,611 naman ang makakatanggap ng PHP60 sa tatlong nanalong numero.
Samanatala, wala pa ring nananalo sa 6/42 draw na may nakalaang premyo na PHP21 milyon habang nasa 18 naman ang nanalo ng PHP24 ,000 sa nakahula ng limang numero namay kombinasyong 34-20-31-39-22-03.
