INAASAHANG bababa ang presyo ng bigas sa PhP45 bawat kilo sa susunod na taon , ayon ito kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel.
Sinabi ni Laurel na pagbaba ang presyo ng bigas ay dahil sa mga interbensyon ng gobyerno, partikular ang pagbabawas sa taripa na naglalayong patatagin ang suplay ng pangunahing pagkain.
Nitong Lunes sinabi niya sa press briefing sa Malacañang, sa pagsapit ng kalagitnaan ng Oktubre ay unti-unti na itong mararamdaman ng publiko ngunit ang buong epekto ng pagbaba ng presyo ay dapat maramdaman sa Enero ng susunod pang taon.
Dahil din umano ito sa pagbaba ng presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado .