LEYTE Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez on Sunday urged Filipinos to use the Holy Week as a...
SA gitna ng idineklarang national state of energy emergency, nanawagan si Senadora Imee R. Marcos sa SSS, GSIS, PAG-IBIG at Philhealth na magpatupad ng pansamantalang tigil-singil at loan moratorium upang maibsan ang tumitinding bigat na dinaranas ng mga Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Ayon sa senadora, ramdam na ramdam ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante ang epekto ng krisis sa enerhiya, mula sa pamasahe hanggang sa presyo ng pagkain, kaya’t malaking tulong kung ipagpapaliban pansamantala ang paniningil ng mga nabanggit na ahensya. “Ang krisis sa gasolina at krudo ay pabigat lalo sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino, lalo na sa ating mga manggagawa. Kaya’t marapat lamang na bigyan natin sila ng kahit isang buwan o higit pang palugit sa pagbabayad ng kanilang mga obligasyon,” pahayag ni Marcos. “‘Wag muna nating kaltasan ang kanilang sahod. Ibigay muna ito nang buo upang kahit paano ay makasabay sila sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin,” dagdag pa niya. Iginiit pa ng senadorang nagawa na ang ganitong hakbang noong panahon ng pandemya at sa mga nakaraang kalamidad, kung saan nakatulong ang mga palugit upang makabangon ang mga apektadong sektor. “Patuloy ang krisis na ito na wala pang kalinawan kung hanggang kailan matatapos. Nararapat lang na gawin natin ang lahat ng makakaya para matulungan ang taumbayan,” pagtatapos niya.
MULING nanawagan si Senador Bam Aquino sa pamahalaan na pormal na magdeklara ng price freeze sa mga pangunahing bilihin at essential goods, na aniya’y makatutulong upang maprotektahan ang publiko mula sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng krisis sa Middle East. “Mag-price freeze na sila. Mula noong nagsimula iyong hearing, tumaas na ng twenty pesos iyong diesel, iyong gasolina sampung piso. Sinabi ng Department of Agriculture tataas ang presyo ng pagkain kung wala silang gagawin. So mahalagang gumalaw na iyong gobyerno,” wika ni Aquino bilang tugon sa pahayag ni Claire Castro ng Presidential Communications Office (PCO) na maingat na tinitimbang ng pamahalaan ang epekto ng price freeze sa lahat ng sektor. “Kailangan natin ng agarang aksyon at ang mungkahi ko, gawin na iyong price freeze para sa napakaraming Pilipino na hirap na hirap na ngayon. Gawin na nila yan at tulungan nila yung napakarami nating mga kababayan,” dagdag pa niya. Sa pagdinig noong Huwebes ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee, kinumpirma ng mga ahensya ng pamahalaan ang naunang pahayag ni Aquino na price monitoring lamang — at hindi price freeze — ang nakapaloob sa Executive Order No. 110 ni Ferdinand Marcos Jr. na nagdedeklara ng state of national energy emergency. “No price freeze as of now, Mr. Chair,” sabi ni Reynaldo Cancio, Assistant Secretary ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), kay Aquino. Kinuwestiyon ni Aquino ang desisyon na hindi isama ang deklarasyon ng price freeze, at sinabing isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nanawagan noon ng pagdedeklara ng state of national emergency. “Ang nilabas ninyo is national energy emergency, which I know addresses the supply issues, but I don’t think it addresses the concern when it comes to basic commodities and essential goods,” wika niya. “Palagay ko po at palagay siguro ng marami sa amin, kulang pa dahil ang hinahanap din ng taumbayan ay ang hindi magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo sa mga palengke, sa supermarket, at sa grocery,” dagdag pa niya. Hindi naman naipaliwanag ng mga undersecretary at assistant secretary ng DEPDev, Department of Energy, at Department of Finance kung bakit hindi nagdeklara ang pamahalaan ng mas malawak na state of emergency na sana’y magbibigay-daan sa pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.
SAN Miguel Corporation (SMC) Chairman and CEO Ramon S. Ang renewed his offer to sell Petron Corporation...
SPEAKER Faustino “Bojie” G. Dy III on Saturday announced that Philippines’ hosting of the ASEAN Inter-Parliamentary Assembly...
METRO Pacific Tollways Corporation (MPTC) and its network of expressways—NLEX, SCTEX, NLEX Connector, CAVITEX, CALAX, and CCLEX...
MARKING the 20th year of #EarthHour, environmental NGO BAN Toxics calls on every Filipino to move beyond...
THE beatification cause for Bishop Cesar Maria Guerrero, the first shepherd of Lingayen, formally began March 27....
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. on Saturday urged Filipinos to take part in Earth Hour 2026, calling...
PINARANGALAN ang 40 natatanging indibidwal at organisasyon ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) sa ginanap na...
THE Department of the Interior and Local Government (DILG) urged Filipinos to support and purchase affordable goods...
THE westbound off-ramp of the Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX) along Andrews Avenue leading to NAIA...
PRESIDENT Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III on Thursday led the inspection...
SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at lumalalang tensyon sa Middle East, naghain...
THE Department of the Interior and Local Government (DILG) reported that the Bureau of Jail Management and...
THE House of Representatives has rolled out the Suporta sa Bayan Desk (SBD), a centralized public assistance...
KAMANGGAGAWA Partylist Representative Eli San Fernando today flagged the “glaring and dangerous omission of workers” in the...
NAHAHARAP sa mga kasong administratibo ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group...
THESE are the first lines of a jingle that played as mascot ‘Nurse Susie’ entered the Out-Patient...
THE House Committee on Justice on Wednesday adopted its ground rules and issued multiple subpoenas as it...
BINIDA ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa Binibining Kulayaan Sto. Tomas 2026, isang patimpalak na bahagi ng...
SAN Miguel Corporation (SMC)’s river cleanup initiative has cleared a critical stretch of the Alabang River, boosting...
THIS Women’s Month, your most loved SM Malls in Batangas celebrate women through fashion that empowers, inspires,...
SA gitna ng mataas na presyo ng krudo, patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga...
THE Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) destroyed ₱4,563,517,903.02 worth of dangerous drugs today, March 24, 2026 at...
ENCHANTED Kingdom, the first and only world-class theme park in the Philippines, proudly celebrated the official return...
HOUSE Senior Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima filed a bill...
Diliman, Quezon City — THE Department of Science and Technology (DOST), through its Provincial Science and Technology...
FIRST Philippine Industrial Park, through its water arm FPIP Utilities, Inc. (FUI), partnered with the Bureau of...
ISANG matagumpay na hakbang tungo sa mas inklusibo at mas pinalawak na oportunidad sa trabaho ang naitala...
AGRICULTURE Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. on Thursday, March 19, filed cyber libel complaints before the...
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday inspected newly installed prefabricated classrooms in Mariveles, Bataan, highlighting fast...
MARIKINA 2nd District Representative Miro Quimbo on Wednesday reaffirmed his support for the passage of the proposed...
