
NAPASALANG ang isang 27-anyos na Pinay sa Slovenia, ayon sa mga ulat noong Sabado.
Si Marvil Facturan-Kocjančič, 27, ay binugbog hanggang sa mapatay ng kanyang asawang Slovenian na si Mitja Kocjančič, habang nagbabakasyon sa Bled, Slovenia noong Disyembre 29, 2024.
Ang insidente ay naganap ilang sandali pagkatapos ng kanyang pagdating sa bansa upang muling makasama ang kanyang asawa para sa bakasyon.
Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ng Slovenian ang kanyang asawa na may history sa mental health concern, ay inaresto at inilagay sa isang psychiatric facility.
Kinondena ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang brutal na pagpatay kay Facturan-Kocjančič.
Sinabi ng CFO na patuloy itong magsusulong para sa mga karapatan ng mga Pilipino sa ibang bansa, at hinimok ang mga nakakaranas ng karahasan sa tahanan at iba pang uri ng pang-aabuso ay kanilang susuportahan.
“Ang mga Pilipinong nakabase sa ibang bansa na may asawa sa ibang nasyonalidad o may mga foreign partners , na nakaranas ng anumang gawain ng trafficking, domestic violence , at pang-aabuso, ay maaaring makipag-ugnayan sa CFO, 1343 Actionline laban sa Human Trafficking, o sa pinakamalapit na Embahada o Konsulado ng Pilipinas para sa tulong,” .
Muling pinagtibay ng CFO ang pangako nitong protektahan ang mga Pilipinong emigrante at hinimok ang mga nakakaranas ng pang-aabuso sa tahanan na humingi kaagad ng tulong.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo na nagsasagawa sila ng kaayusan para sa pagpapauwi ng mga labi ng biktima sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ang Philippine Embassy sa Vienna, na nangangasiwa sa Slovenia, ay nag-uugnay sa mga pagsisikap sa repatriation.
Dagdag pa ni De Vega, natapos na ang autopsy sa biktima at nakipag-ugnayan na ang embahada sa ina ng biktima.