INARESTO ang”Drag Queen “ na si Amadeus Fernando Pagente, alyas Pura Luka Vega sa 339 Sta.Cruz Maynila nitong niyerkukes ng hapon makaraang ihain ng mga otoridad ang warrant of arrest ng Manila RTC .
Bitbit ng Warrant and Intel Operatives ng Manila Police District (MPD) Station 3 ang arrest warrant na inisyu ni Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva, ang presiding judge ng Regional Trial Court Branch 36 ng Maynila, nitong Oktubre 4, 2023 dahil umano sa reklamo ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno ng Quiapo.
Kaugnay sa ikinaso kay Pura Vega ay ang immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows na ipinagbabawal batay sa Article 201 ng Revised Penal Code, as amended in Presidential Decree (PD) 960 and PD 969, in relation to Section 6 of Republic Act 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
May karampatang piyansang nagkakahalagang P72,000 para naman sa pansamantalang paglaya ni Pura Luka Vega.