INAAYOS na ang pagbabalik sa bansa ni dating Negros Oriental lawmaker Arnolfo Teves Jr.ngayong buwan ng Setyembre, ayon ito ngayong Lunes kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Katuwang ang Philippine Air Force (PAF) ginagawa ang mga arrangement ng repatriation kung saan isasakay sa eruplano ng Air si Teves.
Nahaharap si Teves sa 10 kaso ng murder, 12 kaso ng frustrated murder, at apat na kaso ng attempted murder sa Manila Regional Trial Court Branch 51 kaugnay ng pamamaril noong Marso 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental na nagresulta sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo at iba pa.
Tumakas si Teves patungong Dili, Timor-Leste, at humiling ng political asylum.
Noong Marso, siya ay naaresto habang naglalaro ng golf ngunit pinalaya siya mula sa Becora Prison at naaresto saka inilipat sa Polícia Nacional ng Timor-Leste.
Kinatigan nitong Hunyo 27 ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang kahilingan ng Pilipinas na i-extradite si Teves.
Nag-file ng apela si Teves sa desisyon, ngunit tinanggihan ito ng gobyerno ng Timor-Leste.