ISANG babaeng guro ang inaresto ng pulisya noong Biyernes ng gabi dahil sa pagtutulak ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon sa isang buy-bust operation sa Zamboanga Sibugay.
Ang suspek ay nasa 59 taong gulang na residente ng Laminusa Island sa Siasi, Sulu.
ayon kay Maharani Gadaoni-Tosoc, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency-Zamboanga Peninsula (PDEA-9) , nagulat ang suspek nang malaman nitong isang poseur-buyer ang kanyang ka-transaksyon.
Inaresto ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis ang suspek dakong 7:25 ng gabi noong Biyernes sa Purok Masigla, Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Nakumpiska ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000, ang buy-bust money, at isang mobile phone.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng PDEA sa Zamboanga Sibugay.