PINAGHAHANAP na suspek na pumaslang sa dalawang indibidwal na nasangkot sa ‘road rage’ sa kahabaan ng C.M. Delos Reyes Avenue sa Barangay Javalera sa General Trias, Cavite noong Huwebes ng umaga.
Ang mga nasawi na lulan ng truck na sina Erick at Edmark na pawang driver at pahinante .
Base sa mga nakasaksi , pinagbabaril ng malapitan ng suspek ang dalawang biktima makaraang magkasagutan at mauwi sa matinding awayan ng mga ito pasado alas-10 ng umaga ng Huwebes.
Matapos ang pamamaril ay agad na manhunt ang inilunsad para sa suspek.
