Photo from NAPOLCOM
NAHAHARAP sa mga kasong administratibo ang provincial police director ng Batangas sa National Police Commission (NAPOLCOM) matapos siyang akusahan ng isang babaeng pulis ng pag-abuso sa kanyang kapangyarihan bilang isang nakatataas.
Personal na isinampa ng babaeng pulis ang umano’y mga kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer sa NAPOLCOM laban kay Batangas Police Provincial Director Col. Marlon Ventura Rufo.
Ang reklamo, na isinampa sa pamamagitan ng isang sinumpaang affidavit, ay nagdedetalye ng serye ng mga umano’y insidente na naganap sa pagitan ng Pebrero at Marso 2026.
Samantala, nangako si direktor ng Police Regional Office 4A (Calabarzon) na si Brig. Gen. Hansel M. Marantan ng Philippine National dadaan ito sa tamang proseso kasunod ng paghahain ng reklamong administratibo sa National Police Commission (NAPOLCOM) na kinasasangkutan ng isang opisyal ng pulisya sa Batangas.
Agad ipinag-utos ni Marantan ang isang masusing at walang kinikilingang imbestigasyon at idulog sa NAPOLCOM.
Pansamantalang inalis sa pwesto ang inakusahan pulis habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon upang mapanatili ang integridad ng pulisya.
