KUMPISKADO ang tinatayang ₱382 milyong halaga ng mga materyales sa pamemeke ng ilegal na sigarilyo sa isinagawang operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)mula sa isang bodega sa Brgy. Balucuc, Apalit, Pampanga nitong ika-5 ng Marso 2026 .
Pinangunahan ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa naturang lugar katuwang ang mula sa iba’t ibang pwersa ng gobyerno kung saan natuklasan sa sinalakay na bodega ang mga selyo ng buwis ng BIR na may magkaparehong serial number, malalaking volume ng mga materyales sa pagbabalot ng sigarilyo, at mga rolyo ng papel na pang-tipping ng sigarilyo na may mga tatak tulad ng Chesterfield, Camel, Mighty, Fortune, Carnival, Fort, Commando, Thunder, H&P, King, at Cannon Menthol, bukod sa iba pa.
Matatandaang mula Enero hanggang Pebrero 2026, nakasamsam na ang BOC ng 110, na nagkakahalaga ng mahigit ₱1.948 bilyong halaga ng mga ilegal na sigarilyo at produktong tabako. Sa parehong panahon noong 2025, nakapagtala lamang ang Bureau ng 21 na pagsamsam na nagkakahalaga ng ₱75.517 milyon, na nagbibigay-diin sa malaking pagtaas ng mga resulta ng pagpapatupad.
