Wala tayong isinusuko — at lalong hindi tayo yumuyuko kaninuman — sa anumang posibleng pag-uusap sa Chinese Embassy, sinabi nitong Linggo ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson. Ani Lacson, ang planong pag-uusap – na kanyang iminungkahi matapos ipahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan ang kahandaang makipagdayalogo sa mga lider ng Pilipinas upang maibsan ang palitan ng maaanghang na pahayag sa isyu- ay hindi tutuon sa mga sensitibong usapin tulad ng pagmamay-ari ng mga pinagtatalunang lugar, kundi sa pagtatatag ng malinaw na linya ng komunikasyon. Pinuri din ni Lacson ang inisyatibo ni Sen. Erwin Tulfo na makipagpulong sa opisyal ng Chinese Embassy bilang bagong Chairman ng Senate Foreign Relations Committee. Aniya, ito ay “move in the right direction” at “commendable.” Dagdag niya, maaaring ibahagi ni Sen. Tulfo ang resulta ng pagpupulong niya na inaasahang magsimula ng 11 a.m. sa all-senators’ caucus na inaasahang magsimula ng 1:30 p.m. “Wala tayong sinusuko at di tayo yumuyuko. Gusto lang natin maiwasan ang maaanghang na palitan ng salita through social media. Mas maganda ang direktang pag-uusap,” ani Lacson sa panayam sa DZBB radio. “Baka may middle ground na pwede tayong makapagusap. Hindi yung yumuko tayo, ‘sige sa inyo na nga yan para lang maayos na ang ating usapan.’ Hindi ganoon,” dagdag niya. “Mas mainam ang maliwanag na maliwanag. Wala tayong sinusuko at hindi tayo yumuyuko.” Binanggit din ni Lacson na bago makipagugnayan sa Chinese Embassy, kailangang tiyakin muna ng mga senador ang malinaw na komunikasyon sa isa’t isa, dahil hindi aniya maganda tingnan na ang kapwa Pilipino ay nagkakaroon ng mainitang pagtatalo laban sa kapwa Pilipino sa isyung ito. Giit ni Lacson, hindi niya maisip na mayroong Parliament sa mundo kung saan nag-aaway ang mga mambabatas hinggil sa teritoryo ng sarili nilang bansa. “Di ba napakapangit noon? I cannot imagine maski anong parliament sa buong mundo na nangyayari ito, nagkakapikunan ang mambabatas at ang usapin sino ang nagmamayari ng isang teritoryo na ang alam nating lahat teritoryo talaga ng Pilipinas o kaya nasa loob ng ating exclusive economic zone,” aniya.
HOUSE Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima filed a measure calling...
DEPUTY Speaker Jay Khonghun of Zambales on Sunday slammed as baseless and irresponsible social media claims that...
NAGHAIN si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng interest-free loan para sa mga OFWs. Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o ang “OFW Pre-Employment Loan Assistance Act,” ang mga OFW na may valid contract ay pwedeng humiram ng hanggang ₱100,000. Prayoridad ditto ang mga “first-time” OFW na sasailalim din sa libreng financial literacy seminar bago lumipad pa-ibang bansa. “Bilyon-bilyong dolyar ang ambag ng mga OFW sa ating ekonomiya, pero madalas mag-isa lang silang nagkakandakuba sa hirap para lang makalikom ng pambayad sa pre-departure requirements nila,” ani Tulfo. Pagbabahagi pa ng Senador, “Maraming OFWs ang lumalapit sa aming Action Center para humanap ng pambayad sa mga requirements na ito at kadalasan, kumakapit na sila sa mga loan sharks para lang makakuha ng pambayad sa mga pre-departure fees.” Kasama sa mga babayaran ng nasabing loan ang placement fees, medical exam, training, passport, visa, at pati na airfare, at iba pa. Kapag naisabatas ito, ang Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA ang mamamahala sa programang ito. Walang interes ang loan sa loob ng unang taon ng pagbabayad. Para masiguradong mababayaran, kailangang maging “co-borrower” ang kahit isang kapamilya ng OFW. Ang mga baguhan o first-time OFWs naman ay pwedeng bayaran ang utang sa loob ng 18 buwan at maaaring mailagay sa priority access ng loan program at mabibigyan ng free financial literacy training. “Karaniwang kwento na ng ating mga OFW na kahit malaki ang kita sa abroad, lubog pa rin sila sa utang sa Pilipinas dahil walang alam sa tamang paghawak ng pera,” paliwanag ni Tulfo. “Ang gusto natin, ang ating mga kababayan na nagsasakripisyong malayo sa pamilya ay magkaroon ng magandang buhay na pangmatagalan. Dapat sila na ang last na magiging OFW sa pamilya nila na ang mga anak at apo nila ay di na mapepwersang mangibang-bansa,” pagtatapos ng mambabatas.
AGAD na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong ang agarang paglilinis ng mga waterways sa...
A LAWMAKING tandem has filed a bill that would create child advocacy centers in all local government...
Self check-in kiosks at NAIA are now accessible to more passengers as more airlines join the new...
BINARIL at napatay ang acting manager ng Puerto Princesa International Airport habang papunta sa simbahan noong Pebrero...
PUMUTOK ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Huwebes na nagdulot ng 2000-metrong abo, ayon sa Philippine...
HOUSE Deputy Speaker Jefferson F. Khonghun, representing the 1st District of Zambales, has introduced a groundbreaking House...
SPEAKER Faustino “Bojie” G. Dy III on Thursday greeted Muslim Filipinos and the global Muslim community at...
EIGHT priority measures under the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) have reached advanced stages at the committee...
SUBIC, Zambales — Students of Kolehiyo ng Subic will now benefit from improved learning facilities following the...
LEYTE Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez has filed a bill seeking a P3,000 monthly pension and life,...
HOUSE Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima has filed a measure...
THE Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) has flagged a critical geographic imbalance in the country’s...
STILL on a high after its recent Best ASEAN New Tourism Attraction award, Enchanted Kingdom — the...
GIVING gifts on Valentine’s Day is a heartfelt way to show affection, but be mindful—some gift items...
VALENTINE’s Day is all about love, and there’s no better place to max out the experience than...
SPEAKER Faustino “Bojie” G. Dy III on Thursday reaffirmed his commitment to open and honest public dialogue...
