UPANG humupa ang tension sa loob ng bilibid, legal nang pinapayagan ng ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paggamit ng cellphones at iba pang gadgets ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang Jr. na tanging pamilya lamang ng mga detenido ang pwedeng kausapin gamit ang mga cell phones at laptops na ipapagamit ng BuCor.
At para tiyakin walang anumang ilegal na transaksyon na magaganap, ire-record din umano ang buong yugto ng usapan.
Sinabi rin ni Catapang malaking bentahe sa isinusulong na kaayusan sa piitan ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga nakapiit na makausap man lang ang kani-kanilang mahal sa buhay, lalo na yung mga nakatira sa mga malalayong lalawigan.
Ito naman aniya ay may pahintulot nman mula kay Sec. Crispin Remulla ng Department of Justice (DOJ).