TIKLO ang isang pangunahing suspek sa pagpaslang sa kakaupo pa lamang na barangay chairman noong 2009 sa Capiz ang natimbog sa Calapan City, Oriental Mindoro, nitong Biyernes ng umaga..
Natunton ang suspek na nagtago ng 16 na taon na si Orlando Pionelo, 51, alyas “Orlando”, at tubong Panitan, Capiz.
Kabilang si Pionelo sa Most Wanted Person ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagtago sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Inihain sa suspek ang warrant of arrest para sa kasong murder case ang pinagsamang ng Regional Intelligence Unit 4B at Calapan local police nang arestuhin si Orlando habang naglalakad mag-isa sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City, noong Biyernes dakong alas-10:30 ng umaga.
Ang warrant ay inilabas ni Judge Juliana Azarraga ng Regional Trial Court, Branch 15, Roxas City, Capiz na may petsang Marso 31, 2019 na walang inirekomendang piyansa.
