PITONG suspek ang inaresto ng mga operatiba ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP RIU4A-PIT sa isinagawang buy-bust operation na humantong sa pagkakalansag ng isang drug den sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kahapon sa ganap na 6:10 ng gabi.
Naaresto ang mga suspek na nakilalang sina alias Carmelo, 40, tricycle driver; alias Ian, 42, construction worker; alias Analiza, 57; alias Joel, 24; alias Amelia 57; alias Maybelyn, 21; at alias Zenaida, 58 anyos na streetsweeper.
Nasamsam sa mga ito ang humigit kumulang na pitong gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php47,600, ibat ibang klase ng drug paraphernalia at buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Section 6 (Maintenance of a Drug Den) Section 7 (Employee/Visitor of a Drug Den) Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia, Section 15 (Use of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
