Nation
Nation
ISINUSULONG ni House Ways and Means Committee Chair at Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo ang dalawang...
MAS murang kuryente at posibleng refund ang naghihintay sa mga consumer sa Visayas matapos ipatigil ng Energy...
DUMAGUETE CITY — THE House of Representatives on Friday launched the Visayas leg of LegisHear in Dumaguete...
MAS mahigpit na seguridad at zero-tolerance laban sa bullying at karahasan sa mga paaralan ang isinusulong ni...
DALAWAMPU’Tlimang taon matapos niyang isulong ang Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act, patuloy na pinapalakas ni Senadora Loren Legarda ang proteksyon para sa mga waste worker sa pamamagitan ng Senate Bill No. 162, o Magna Carta of Waste Workers, na muli niyang inihain sa ika‑20 Kongreso matapos unang ipanukala sa ika‑19 Kongreso. Binigyang‑diin ni Legarda ang patuloy na kakulangan sa pagpapatupad ng solid waste management framework ng bansa, lalo na ang mahina at hindi ligtas na waste‑management practices na naglalagay sa panganib sa mga manggagawa at komunidad. Tinukoy niya na may tinatayang 1.8 hanggang 2.3 milyong waste pickers at waste workers sa Pilipinas, marami sa kanila ay nananatiling impormal, hindi nakarehistro, at hindi nabibilang. Ayon kay Legarda, lalo pang naging mahalaga ang panukala matapos ang kanyang pakikipagpulong sa mga kinatawan at lider ng Philippine National Waste Workers Alliance ngayong taon. Ibinahagi ng mga manggagawa na marami pa rin ang walang sapat na social protection, nagtatrabaho nang walang kontrata, at hindi nakatatanggap ng overtime pay, night shift differential, o hazard pay sa kabila ng mapanganib na kondisyon. “Hindi dahil walang kontrata ang isang waste picker ay wala na siyang karapatan. Hindi dahil arawan o impormal ang kanyang trabaho ay mas mababa na ang halaga ng kanyang buhay. Manggagawa sila. May pamilya silang binubuhay. May dignidad silang dapat kilalanin at mga karapatang dapat protektahan,” ani Legarda. Binigyang‑diin niya na ang mga panganib na kinakaharap ng mga waste worker ay usapin ng buhay at kamatayan. Ipinunto niya ang pagbagsak ng Binaliw Landfill sa Cebu na ikinasawi ng 36 katao at nasugatan ang 18, gayundin ang trahedya sa Payatas na naging daan sa pagpasa ng RA 9003. “No one who keeps our communities clean should die buried under the very garbage they helped control. Sa likod ng bawat manggagawang nasawi sa landfill, may pamilyang naghihintay sa kanyang pag‑uwi. Ang hanapbuhay ay dapat nagbibigay‑buhay sa pamilya, hindi kumukuha ng buhay,” diin ni Legarda. Nilalayon ng SBN 162 na tugunan ang mga kondisyong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga safeguard para sa mga waste worker sa pamahalaan, pribadong sektor, at impormal na hanay: makatarungang sahod, hazard at emergency pay, mga hakbang sa kalusugan at kaligtasan, access sa social protection, at angkop na protective equipment. Tinitiyak din nito ang pangunahing karapatan sa paggawa para sa mga nasa pribadong sektor, dagdag na benepisyo para sa mga kuwalipikadong government workers, at pormal na pagkilala sa mga organisasyon ng impormal na waste workers upang magkaroon ng akses sa suporta at representasyon mula sa pamahalaan. “Marami tayong sinasabi tungkol sa recycling, zero waste, at circular economy. Pero sa likod ng lahat ng ito ay mga kamay na araw‑araw na namumulot, naghihiwalay, nagbubuhat, at naglilinis ng ating basura. Kung mahalaga sa atin ang malinis na komunidad, dapat mahalaga rin sa atin ang mga manggagawang nagpapanatili nitong malinis,” ani Legarda. Ipinahayag ni Legarda na ang Magna Carta of Waste Workers ay panukalang batas para sa pampublikong kalusugan, climate action, at social justice. “If we can pass laws to regulate waste and design climate pathways, we can pass a law to ensure that the people who make those pathways possible do not have to risk their lives just to earn a day’s wage. When we protect our waste workers, we protect the very foundation of a clean, healthy, and sustainable Philippines,” pagtatapos niya.
THE Senate has approved on third and final reading Senate Bill No. 70, which seeks to exempt...
“Nakahanda ang Kamara at ang mga miyembro nito na magbigay ng tulong kung saan kinakailangan.” This was...
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday announced that the government has allotted nearly PhP19 billion for...
BUTUAN CITY — More than 2,000 Butuanons took part in the second leg of LegisHear, a nationwide...
THE Presidential Communications Office (PCO) has ordered its Anti-Fake News Desk to look into the spread of...
REPUBLIC Act No. 12322 has officially lapsed into law on August 2, 2026, amending Section 5 of...
NANAWAGAN ang Malacañang sa mga transport group na huwag munang magsagawa ng transport strike kaugnay ng sunod-sunod...
THE Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) has launched the Early Childhood Dashboard, a new digital...
THE House prosecution panel may shorten its lineup of witnesses for the impeachment charge over Vice President...
THE House of Representatives has adopted a resolution honoring Alexandra “Alex” Eala for her historic Wimbledon breakthrough...
NANANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules sa mga Pilipino na aktibong makilahok sa kampanyang...
ILALANTADsa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga “delicious” na detalye sa likod ng mga maanomalyang infrastructure project sa Taguig City, ang balwarte ni disgrasyadong ex-Senate President Alan Peter Cayetano, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules. Ani Lacson, na nagsumite ng mga ebidensya hinggil sa mga kuwestiyonableng proyektong pang-imprastraktura sa Ombudsman nitong nakaraang Martes, na tatalakayin sa mga pagdinig ang hindi bababa sa limang case studies na isinagawa nila ng kanyang team. “‘Malicious pero delicious’ – bumigay na yata. Kung anu-ano na pinagsasabi. The public may partake of the ‘delicious’ part if they watch the Blue Ribbon Committee hearings where the details of the truth behind the 5 Taguig case studies that we submitted to the Ombudsman will be exposed,” aniya sa isang post sa X. Tinutukoy niya ang pahayag ni Cayetano na “malicious” ang mga ibinunyag ni Lacson tungkol sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Taguig, na sinagot naman ni Lacson sa pagsasabing ang “delicious” na mga detalye ay ilalahad sa mga pagdinig. Noong Martes, sinabi ni Lacson na naipasa na sa Office of the Ombudsman ang mga ebidensyang kanilang nakalap sa ngayon, at maaaring sapat ang mga ito upang maging batayan sa pagsasampa ng mga kasong plunder, malversation, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ayon kay Lacson, ang mga anomalya sa Taguig City ay kakaiba kumpara sa mga nauna nilang case studies sa Bulacan dahil gumamit ang mga ito ng kombinasyon ng “old and new tricks.” Mula 2020 hanggang 2025 pa lamang, sinabi niya na umabot na sa P14.4 bilyon ang halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura sa Taguig — “and still counting.” Ngunit binigyang-diin ni Lacson na kahit patuloy silang magsusumite sa Ombudsman ng iba pang mga ebidensyang maaari pa nilang makuha, hindi nito hinahadlangan ang anumang hakbang na maaaring gawin ng Blue Ribbon Committee. “It doesn’t preclude any action that the BRC may take in the course of the committee’s investigation of the flood control anomalies, depending on the chairman and the members’ appreciation,” aniya.
